Mcoy Fundales

proud pinoy..bagoong flows thru my veins!

My FACEBOOK FAN PAGE Shout Outs (revisited)

I’ve been sharing, or should I say, dumping thoughts and ideas in my Facebook Fan Page since I started it last September, 2009. Mental by-products that I either read somewhere, heard from someone or come to me when I’m inside the toilet. Here are some I unearthed after I clicked the “older posts” link:

“A lot of people ask me why I always seem to be cheerful, light and happy… well, I guess I am what you would call a REVERSED EMO.”

“Ang maganda lang kung makalimot kang mag toothbrush bago matulog.. ay maaalala mo kung ano inulam ninyo sa tanghalian kahapon at hapunan kagabi.”

“Maayos ang hapunan dahil payapa na ang langit. Di ko tuloy maiwasang mag isip.. Baket nga ba walang TINOLANG BABOY?”

“Para akong iniwan ni Ondoy.. nang iniwan mo ako at ipinagpalit sa iba.”

“Ang pagtingin ko sa iyo ay parang baha nung Sabado… akala ko hanggang tuhod lang. Aba! Umabot na sa dibdib sa isang iglap pa lang?!”

“Kailangan natin ng MABABAIT na tao ngayon. Yung mga tao na mas malaki ang PUSO kesa sa mga TIYAN nila.”

“Sure.. you have the RIGHT to say your OPINIONS on Pinoys.. But we also have the RIGHT to tell you to SHUT UP.”

“Ang dami kong naaalalang TAO dahil kay PEPENG. Mahangin kasi. Sobra.”

“Si ONDOY at si PEPENG ang pinakamalupit na SUPERPOKE para sa sambayanang Filipino sa kasalukuyan. POKE BACK tayo!”

“Nakikiuso ang WALLET ko… under STATE of CALAMITY din.”

“Kakatuwa ang FACEBOOK kasi you can connect with your FRIENDS.. gawa tayo ng site where you can connect with your ENEMIES.. tawagin nating PWETJOURNAL.”

“Noong unang panahon, may isang taong kilala mo na HINDI MATANGGAP na mas maganda ka, mas mapalad, mas malapit sa iba at mas talentado kaysa sa kanya. Nangulubot na siya kakaisip kung paano ka ibabagsak at gagantihan. Yan mga kapatid.. ang ALAMAT ng AMPALAYA (bow).”

“Tirikan mo ng KANDILA at PAGLAMAYAN ang puso kong PATAY na PATAY sa iyo.”

“Isa lang ang mahalaga sa akin at iyan ay ang BUHAY ko! O… wag ka muna magtampo.. ikaw yun eh”

“Tip of the day: Say the names ng mga taong kinabubuwisitan mo every time you FLUSH the toilet. Then watch them go down.”

“Breakfast ko today: DYOLOGS (jologs) - Dilis, tuYO, itLOG, Sinangag. Sarap DYOLOGS.”

“TANDAAN: Ang sagot na “SURE”… ay hindi tamang sagot sa tanong na “SEX?”… lalo na kung ang choices mo lang ay (M) or (F).”

“Gusto kong makakita ng GIRAFFE na may OSTEOPEROSIS.”

“THOUGHT OF THE DAY: Ang mga nagtitinda ng suka… TINOTOYO din”

“People call me Mcoy..but you can call me tomorrow night *ahem*”

“Para kang FOOD DONATION… handa akong pumila ng matagal makuha ka lang.”

“THOUGHT OF THE DAY: Hindi mo pwedeng PALAYASIN ang BIYENAN mo… dahil sa bahay niya kayo nakatira”

“I love MORNING SYMPHONIES: the sounds of pipits playing in the puno, walis tinting sweeping the grounds, manoks making tilaok, manong potpot selling pandesal and a conyong hilaw doing the facebook.”

“Pag nagka KRISIS daw ulet sa BIGAS.. ipagbabawal na ang EXTRA RICE sa mga turo turo at restaurant. O Hindeeeee!!!”

“OK lang yung GOOD GIRL na naging BAD GIRL kesa naman GOOD BOY na naging BAD GIRL.”

“Hindi na daw uso sa LRT/MRT o BUS yung tatayo ang lalake para ibigay upuan nya sa babae… kung ganun din lang.. MAGKANDUNGAN na lang tayo!”

“Alam nyo ba na ang ibig sabihin ng PUTO sa MEXICO ay “lalakeng pokpok”? Kaya wag na wag kang maghahanap ng puto dun. Lalo na ung malaki, malagkit at may itlog na maalat.”

“Manny Pacquiao, Arnel Pineda, Charice Pempengco, Apl de Ap (Allan Pineda) — Lahat sila ang apelyido nagtatapos sa letter P. P daw is for Pinoy and Pinas. Lahat sinuwerte sa kanilang larangan internationally. Ang galing!” — Mcoy “P”undales

“Ang TAGUMPAY parang masturbation —- lahat nakasalalay sa iyong mga kamay.”

“Kung mahuli ka niya na nakatingin ka sa kaniya.. huwag kang mahiya. Isipin mo lang na kaya ka nahuli.. ay dahil tumingin din siya sa iyo.”

“Ang pag-ibig minsan parang prutas.. pagkatapos mahinog.. biglang mabubulok.”

“Lahat tayo sinungaling. Sinungaling ka pag sinabi mong hindi.”

“PAALALA SA MGA GIRLS: Hindi lahat ng MACHO eh MUCHO.”

“May bagong sakit na pala ngayon: Facebook Addiction Disorder (FAD) — mga taong di mapakali kung walang FB at di na makapagtrabaho at makatulog ng maayos. Mas NAKAKATAKOT kung di mo kayang mabuhay kung walang Facebook. Eto na ang sakit mo: Facebook Use Can Kill YOU (F.U.C.K. You).”

“Pwede ba? Huwag ka ng masyadong PIHIKAN? Ako nga hindi eh.. tingnan mo nilapitan kita. So tayo na? ha? ha?”

“THOUGHT OF THE DAY: Magparehistro lang di mo magawa.. BUMOTO pa kaya? At magreklamo pa sa gobyerno ang paborito mong pamapalipas oras. Mali kapatid. Mali.”

“I’m proud to be Pinoy.. bagoong flows thru my veins.”

“Dasal ka ng dasal para gabayan ang paglalakbay mo.. tamad ka namang humakbang. Wala ka talagang mararating.”

“NOTE TO SELF: Huwag na huwag magtutooth-brush ng walang ilaw!… dahil hindi toothpaste ang PONDS (Pweh.. yeeech… errf.. $%@%$!!)”

“Ang mga taong may kaya nga sa buhay pero MAYABANG naman ay parang havaianas at crocs lang.. kahit mamahalin eh para sa paa lang din at tinatapak-tapakan!”

“Ang BUHAY ay hindi PAHABAAN kundi PASARAPAN.”

“Dati.. COOL din ang mga MAGULANG mo bago ka ipinananganak. Naging BORING at UNCOOL lang sila nung inalala na nila ang pambayad sa mga bayarin at matrikula mo at kung paano ka mabibigyan ng mas magandang kinabukasan.”

“Noong tayo pa.. nangako kang handa kang magpakamatay para sa akin.. Ngayong hindi na tayo.. pwede mo na bang tuparin?”

“Ang tunay na kaibigan.. parang BRA. Malapit sa puso mo at laging nakasuporta. Wehey!”

“Ang PAGTANDA daw ay nasa ISIP lang.. sana huwag nang bumaba sa buong katawan.”

“Breast milk is still best for daddies.”

“Seryoso ako sa iyo. Para kang JEBS.. di kita kayang paglaruan.”

“Napanood ko ulit yung pelikulang EXORCIST. Pag POSSESSED ka pala.. parang ginawang CONDOM ng masamang espiritu ang katawan mo. Creepy.”

“Alam nyo ba ung mga CONDOLONCE CARD na makikita tuwing may LAMAY? Huwag daw kayong pipirma dun kasi.. may RAFFLE daw ng susunod pagkatapos ng libing. Hala.”

“Alin nga ba ang tunay na PASAWAY? Ang puso mo na walang ginawa kung hindi magmahal ng totoo? O ang utak mo na hindi marunong magpakatotoo?”

“Ang tagal mo na naglalagi sa isip ko.. dapat magbayad ka na ng rent.”

“Pambansang kamao” ang tawag kay Pacquiao. Paano kung magkaroon tayo ng world champion runner? Tatawagin ba nating “pambansang paa”?

“Isang libong sinabing “I miss you”. Isang milyong sinabing “I love you”. Isang sinabing “goodbye” lang ang katapat.. burado lahat. Galing no?”

“Ang lalaking gwapo, matalino, mabait, mayaman, mapagmahal, malambing, maginoo at tapat… ay bunga ng isang malikot na imahinasyon.”

“What is beauty if the bra is empty?”.

“Malungkot nga kung tumitingin sa iba ang taong gusto mo… pero mas masaklap kung wala na siyang tinitingnang iba pero hindi ka pa rin niya makita.”

“Pag kumain ka sa JAPANESE RESTAURANT.. Huwag kang oorder ng TA-KEHO-ME. Mapapahiya ka lang. Kasi “Take Home” ang basa dun.”

“Pag gusto may paraan.. Pag ayaw.. may paraan pa rin!”

Hindi lahat ng FAIRY TALES nagsisimula sa “Once upon a time..”. Madami ding nagsisimula sa “Kung ako ang iboboto ninyo, ipinapangako ko na…”.

“Treasure ka ba? Can I see your chest?”

“Pasensya ka na.. hindi ko kayang ialay sa iyo ang mundo. KAMUNDUHAN lang ang kaya ko.”

“Para kang GOOGLE.. lahat ng hinahanap ko nasa iyo.”

“Hindi siya MANHID. Paliguy-ligoy ka lang masyado at mahina siyang umintindi ng mga bagay na di mo kayang diretsuhin.”

“S(he) Be(lie)ve(d).”

“Sana ang puso parang SIM na lang.. para swap na lang ng swap.”

“Wala kang karapatang UMARAY at masaktan kung nakita mo nang parating at tatamaan ka pero hindi ka pa rin UMIWAS.”

“Kung alam mong pagagalitan ka… lubos-lubusin mo na.”

“Pag nakikita kita ang naiisip ko ay isang SARANGGOLA.. kapag malayo maganda”

“Minsan yung “love one another” nagiging “love another one”…”

“Babangon akot matutulog muli”

“Huwag mo akong pangarapin.. mamamatay ka lang sa sama ng loob”.

“Bakit ba HEARTBREAK ang tawag? Samantalang pag nasawi ka sa pag-ibig, pakiramdam mo buong katawan mo ang nabibiyak…”

“Dapat makuntento tayo. Bawal ang materialistic. Tama na ‘yung tayo ay magaganda at gwapong nilalang. Ayus na yon.”

“Dati pag lalake sisiguraduhin mo kung guwapo. Ngayon pag guwapo sisiguraduhin mo kung lalake.”

“Mahirap magmahal ng patago, kasi baka mahalin ka rin nya ng patago. Kung ganon din lang, wag na kayo magmahalan! Magtaguan na lang!”

“Hindi man ako homework…pero you can take me home.”

“Hindi ka manlalamig sa taong mahal mo kung walang ibang nagpapainit sa iyo.”

“Ang ulo parang tiyan din.. sumasakit kapag walang laman.”

“Huwag kang CHOOSY.. kung hindi ka naman YUMMY.”

“The sun tells me you are the prettiest. The air whispers that you’re name is the loveliest. The rivers and hills suggest that you are the best. Hayy… CLIMATE CHANGE na talaga.”

“Madalas gusto kong maging seatbelt.. para sa byahe laging nakayakap sa ‘yo.”

“Ang puso minsan parang Rubik’s Cube.. bubuoin tapos sisirain. Bubuoin tapos sisirain ulit .. makapaglibang lang.”

“Ang ayoko lang sa PAGTULOG.. lalo kong hindi nagagawa yung mga bagay na tiinatamad akong gawin pag ako’y gising”

“Ubusin mo lagi ang BEER mo. Tandaan lagi na maraming naghihirap sa mundo na hindi makabili nito. Huwag mong sasayangin.”

“The spaces between your fingers are made so that another person’s fingers would fit in… I hope you find the right hand.”

“Ang katangahan ay di ginagawang libangan.”

“Kahit gaano mo katagal tingnan at kahit ilang beses mong balik-balikan ang FACEBOOK PROFILE nya.. kung hindi ka maglalakas ng loob MAGSALITA.. hindi niya malalaman ang tunay na damdamin mo para sa kaniya.”

“Akala ko ba magpaparami tayo?! Baket ka natukso sa Farmville, Cafe World at kung anu ano pang walang kwentang applications?! Taksil!” — MULTIPLY

“Namimiss na kayo ng FRIENDSTER.. hindi nyo ba sya namimiss?”

  1. amlittlemisslee reblogged this from mcoy-fundales
  2. khaeanne reblogged this from mcoy-fundales
  3. umaasakahitparangwalana reblogged this from mcoy-fundales
  4. meowskie reblogged this from mcoy-fundales
  5. thisredoblivion reblogged this from mcoy-fundales
  6. mcoy-fundales posted this
Theme by paulstraw.